Ulol

Wednesday, July 25, 2018




Mayroong kuto sa mata, ang tatay mo punkista

May tsokolate, bulate

May sandwich sa ilong, sing haba ng talong...

Sa lupa nanggaling at doon din babalik, halik- halik ang rosaryong nakasukbit sa leeg niyang puno ng sugat.

Iiyak- iiyak, tutulo ang luhang sing pait nang apdo na susunog sa iyong lalamunan.

Oh..saan? saan ba ang katarungan? Ang buhay niya ay pinagkaitan.

Pinagkaitan nang mga pangakong hindi man lamang naitatag.


Mga pangakong lumutang, mga nangakong sinilaw siya sa kinang nang alapaap

Hanggang sa siya ay nahulog at nalugmok sa lupang natuyo

Na hindi man lamang nadiligan nang mga kinang nang butil nang ulan.

Hindi na siya makatayo, unit unti nang naaagnas ang kaniyang pagkataong matagal na ring pinatigas nang panahon.

Kasabay nito ang unti- unting pagpanaw nang mga ilaw sa kalsadang hindi man lamang siya tinatanaw.

Namulat nang may dusa, tumayo sa dusa at gumapang sa dusa ngayon ay isa na siyang dusta.

Kumapit sa kung ano- ano, umasa sa mga bagay na hindi siya inasahan.

Nasira pati pag asang marating ang rurok nang kaligayahan.

Tuluyan nang nawala kinalimutan ang sarili.

Isa siyang ulol, ulol sa isang bituin na hindi man lamang siya tinanaw, tanging hangad ay kuminang.