Isang Taon

Friday, November 30, 2018

Ngayong gabi nakahimlay ng payapa sa aking higaan
Sumasagi ating masasayang sandali sa’king isipan
Isang taon...
Isang taon mula ng unang nasilayan
Mula noon mga mata mo ay hindi ko maiwasang titigan

Ako’y nanghihinayang sa bawat sandali
Isang taong Kasiyahan at sigla ay idinulot mo Sakin
Aking lumuluhang mga mata
Napapalitan ng ngiti
Ika’y anghel  sa bawat araw kong Naninimdim

Bilis ng kaba sa’king dibdib aking naramdaman
Nung unang beses mo akong kausapin at titigan
Kaysarap alalahanin ng  bawat minsan
Ang aking pagibig na nadarama
Isang taon na ay wala parin kupas
Lalo pang tumitindi

Isang taon, at kahit ilang taon pa
Pangako ko ako'y sa iyo kakapit
Ano mang pagtulak, ano mang pagsubok
Walang hiyaan walang pag aalangan
Magbabalik ang bawat minsan
Ikaw ang pangarap kong bituin, ang aking pananampalataya
mananatili na sa’king mundo at hindi na lilisan
Isang taon, magpakailanpaman, mahal kita