POTEK na Yan!

Thursday, August 16, 2012


POTEK na Yan!

Naranasan mo na ba iyong ilang taon mong pinaghandaan, piangpraktisan sa harap ng salamin ang dialogue mo pag nakita mo siya tapos ang masasabi mo lang ay "Hi", sinabi mo pa pag nagkita kayo successful  ka na, mapera, may kotse, eh nagkataong katatapos mo lang maglimas ng putik at muka kang nagtanim ng kamote.  Siya may pamilya at kasama ang baby niya, ikaw wala kang dala kundi panyo na marumi at basahan.

Wala din kwenta maghanda mas maganda talaga on-the-spot. Next 5 years ulit tigana natin kung successful na ako para maipamulat ko na ako na ang emperador ng Emperyo ng Kamote at hindi isang hamak na tagalimas.

0 comments: