Sa Susunod na Buhay nalang.

Monday, April 23, 2018




Dear Faith,

Lahat ng sinabi ko sa iyo totoo, lahat ng nararamdaman ko. Hindi na ako magtatago sa bulaklak ng tula, wala ng palabok. Hindi ko na kayang itigil pa ang ang mundo ko, ikaw ang mundo ko, hindi ko na kayang pansamantalang patigilin ang buhay ng lahat ng umaasa sa akin para sa sandaling hinihiling ko sa iyo. You are a priority... ako? Kahit option nga lang hindi pa ako pumapasa. Saglit lang naman, marinig mo lang in person, ang rason, ang katotohanan. Bakit ako naghahabol ng oras, bakit hindi ako nagsasalita. Kampante ako, magulo, hindi alam kung ano ang susunod na gagawin. Nagkataon, nagkatagbo, pero hindi tinadhana. Hindi ko na alam papano, kung alam mo lang Faith. Sa mundo kong malupit. Kung alam ko lang kung papano. Sabihin ko sana ang 'di ko kayang sabihin. Aaminin na sana ang 'di ko kayang aminin. Tapusin na natin ang hindi natin kailangan dalhin. Isang saglit lang, isang saglit. Kausapin mo ako.

Sa salita mo nga "tutal"

Kung tutal, sa susunod na buhay nalang.

Sa susunod na buhay nalang.

0 comments: