Monday, April 16, 2018

Tula ng Nagmamahal: Tutuldok

Mahal kita....
Dati gusto na kita....
Di mapagkakaila....
Naghintay ako....
Patingin tingin...
Pasulyap sulyap....
Sumisikip dibdib sa bawat silip...

Hanggang naglakas ng loob magpakilala at sabihin sa iyo na gusto kita....
Naging masaya ako....
Sayang hindi mapapantayan ng ibang tao...
Sayang walang katumbas na pera....
Sayang nagbigay kulay sa malamlam na mundo ko....
Sayang binalot ng liwanag ang puso at buhay ko....
Masaya nga ako....

Sa sobrang saya kinalimutan ko ang matulog....
Para sa oras na minimithing laging makasama ka....
Kinalimutan ko mag ipon at kung paano harapin ang bukas...
Dahil ang alam ko sa ngayon ay masaya ako...
Kinalimutan ko ang ibang tao na nakapaligid....
Kinalimutan ko ang lahat maging sarili ko....
Dahil umikot ang mundo ko sa mundo mo kung saan ako naging masaya....

Nagmamahal na nga ako ng sobra....
Minsang nasaktan, sa huli pinairal pa din ang pagmamahal...
Tinalikuran ang isang bangungot na nagbibigay pighati sa puso....
Nagpakamanhid sa hapdi at kirot para ipagpatuloy ang saya ng nagmamahal...

Para sa iba katangahan o kabaliwan...
Para sa akin...mundo at pangarap ko....
Naranasan mo na bang maging masaya?
Pano pag yung saya na yun mawala sa iyo?
May saysay at kulay pa ba yung mundong ginagalawan mo....

Pansinin mo naman ako...
Linguine mo naman ako...
Pwede bang ako naman lutaan mo ng Shanghai...
Ang lutaan mo ng manok...
Ang titigan mo ng malagkit...

Kasi ikaw lang nasa isip ko...

0 comments: