Di Ko Alam Mag-MukhangLibro?

Wednesday, June 9, 2010

 Di Ko Alam Mag-MukhangLibro?

Pinapalaganap ko ang grupo namin sa MukangLibro sa madla upang mas marami ang masabihan namin ng mahahalagang anunsyo.

Bago magsimula ang unang araw ng klase lumapit sa akin si Jopolents.

"Bakit hindi ako makasali sa grupo pre?" wika niya. Sabi ko hanapin niya ang link na pipindutin niya para makasali.

Kinabukasan lumapit muli siya "Paano ako makakasali dun walang link para makasali? Baka may ginawa ka sa settings dahil mahilig ka mag-block?". Aaminin ko sa sobrang hilig kong mag-block kahit sarili ko binoblock ko.

Kaya tinignan ko ang mga setting, mukang tumutugma naman sa pinagkaugalian na tumatanggap ng bagong miyembro. Sabi ko subukan ko nalang siyang imbitahin sa grupo. Pero bakit hindi ko siya maimbita?

Makalipas muli ang ilang araw, hindi pa rin makasali si Jopolents at ako may sumuko na rin. Sabi kong huwag nalang siyang sumali, tanggapin na lamang niya na sa mundo ng MukangLibro imbes na mapalapit ka sa tao ay lalo ka pang nanapalayo.

Ilang araw pa napagtanto namin habang kumakain ng kakanin, na kaya pala hindi siya makasali at hindi ko siya maimbita ay dahil mula pa lamang noong nagawa ko ang grupong iyon ay kasali na siya.
 



 Maraming salamat sa kakanin.

 Babala sa MukangLibro. Maraming nagpapanggap sa MukangLibro.

0 comments: