Facebook Mong Muka Mo

Wednesday, June 16, 2010


Kwento na walang patutunguhan, kababalaghan, kalokohan, kung nasa elementarya si Marc sasabihin niya malamang "maniwala tanga" sabay lagay ng kulangot sa ilalim ng upuan.

Dalawang buwan na siguro ang nakakaraan nang tinanggal ni Marc si Jayley jolens Maria Kapra sa MukangLibro. Dalawang buwan din bago niya nalaman, ganun na kakalyado ang muka niya. nagkaroon din siya ng lakas ng loob na magtanong "bakit mo ako tinanggal sa MukangLibro mo?"

sagot ni Marc "Dahil sinabi mo"

Tatlong buwan bago iyon...

Ilang araw na nageensayo si Marc sa harap ng salamin, ito na ang pagkakataon ko kay Jayley jolens Maria Kapra. Eto na at sasabihin ko na, eto na, ayan na.

Nang araw na iyon, talo pa ang F1 na pangkarera ang bilis ng tibok ng puso ni Marc. Sa harap ng maraming tao umakyat si Marc sa entablado at kumanta ng "Crazy for You" alay kay Jayley jolens Maria Kapra, pagkababa sa entablado pumunta siya kay Jayley at lumuhod

"Alam ko suntok to sa buwan, ikaw ang aking ligaya, ikaw ang aking buhay, ikaw ang nagbibigay ngiti sa akin, wala na akong hihilingin kundi ang makita ka at makasama habambuhay, kung maulit man ito, ikaw pa rin ang pipiliin ko nang paulit ulit " sabay halik, halik na parehong nagpabaliw sa kanila. Ibunuhos ng lalake ang nararamdaman sa loob ng ilang segundo. Tumigil ang mundo, at dadahan dahang bumibilis, kung pwede lang magpakailanman ganun na. (Nasusuka na ako sa sinusulat ko)

Makalipas ang ilang sandali biglang sambit ni Jayley jolens Maria Kapra "pwede bang wag ka nang mag-comment sa MukangLibro ko, kasi nakikita ng mga kapitbahay namin, aso ko, mga pinsan ko sa tuhod, karpentero namin, at ng aking ama"

Nawasak si lalake, o nawasak si babae, o nawasak ang mundo, dumating si Majin Boo naging presidente si NoyNoy.

at ngayon nga makalipas ang ilang buwan taas kilay na lamang siya kung bakit nagtatanong pa si Jayley bakit siya inalis sa MukangLibro ni Marc. Hindi niya siguro maalala sinabi dahil sa pagkain ng pansit kanton araw araw. Alam kaya ng babae ang ginawa niya? malamang hindi.

-it's. . .gonna. . .be. . .like. . .this..to.. your... goddess-


. . .I have no right to say I love you. . .
. . .for all the lies I said now seem true. . .
. . .she's perfect and what am I??. . .
. . .a no one, knows nothing but to cry. . .
. . .and after giving you this what do I achieve. . .
. . .will you just stand up and leave??. . .
. . .no you wont give a damn. . .
. . .tear this up and go to your Goddess. . .
. . .shes been waiting by the corner all day. . .
. . .kiss her lips then ride away. . .
. . .I'm sitting there as you hold hands. . .
. . .rot away a tear makes a stand. . .
. . .why is it when I see you I begin to hide. . .
. . .my true feelings for fear inside. . .
. . .I have no right I'm just a past. . .
. . .waiting for the day your love wont last. . .

1 comments:

Anonymous said...

i'm sorry.....