Stiff Neck

Tuesday, June 15, 2010

Stiff Neck


May panahon na masakit humindi sa mga tao, at iyon ang mga pagkakataon na may stiff neck ka sa kaliwa't kanan.

May stiff neck si Marc, noong lunes stiff neck sa kaliwa, ngayon sa kanan naman. Sabi niya ito nga daw ang hirap kapag may stiff neck, matutulog ka nangnakaposisyon sa kanan dahil masakit sa kaliwa, ang resulta... kanan mo naman ang may stiff neck kinabukasan. Tapos kaliwa ulit, isang buwan na ang stiff neck at hindi ako magugulat pag nasanay na katawan niya sa ganun.

Isang buwan na naglalakad si Marc na parang robot, kapag haharap siya sa kaliwa kasabay ang buong katawan, dapat ulo lang. Nakakatawa nga siya pag tinawag mo, parang laruan na remote control, dahan dahan haharap sa iyo at may kasamang sakit na makikita sa pagmumuka.

Ang taong hindi marunong lumingon sa pinaggalingan, malamang may stiff neck. Matibay yan si Marc dahil kung hindi ako nagkakamali lumaban yan ng championship sa kanilang liga ng basketball ng may stiff neck, ayos lang noon kasi bangko lang naman siya. Kahit siguro may sore eyes pa siya o na-isprain ang magkabilang paa niya ay ayos lang.

2 comments:

Anonymous said...

Angcute ng pusa hahaha! >:3

Anonymous said...

me 2 i have a stiffneck pang 4 days n 2 ...sobrang sket ngaun....kumikirot pang galaw k ng galaw...sobrang sket taz pang naubo k pati batok ko sumasaket....